Iniibig Mang 'di Maari
ni Quenelyn J. Basco
Isang mapangahas na damdaming 'di ko masambit,
Ang mahalin kang tunay saksi ang langit
Sa paggunita ng pusong kay rupok,
Pati luha'y dumadaloy ng dugok.
Tulad ng Ilog Pasig na kay labo,
Damdamin ko sayo'y di mapaglalo
Oo nga't mahal ka yaong ito,
Pati bitui'y susungkitin alang-alang sa'yo.
Mahal ka ngunit 'di ka kayang mahalin,
Masasabing hindi pa panahon upang ika'y ibigin
Tayo'y bata opa kung uusisain,
bata pa ang puso sa pag-ibig na susuungin.
Binigyan ka man ng motibo nitong pasiring dilag,
Hindi ibig sabihin nito'y siya'y payag
Sa pag-ibig na siya mong inalay
Hindi kayang suklian, siyang ikamamatay
Kinabukasan ang siyang dapat unahin,
Pag-asa ng bayang tulad natin
Tayo'y makinig sa payo ng nakatatanda
Huwag humalintulad sa modernong kabataan,
Pati pag-aaral, kinabukasa'y tinatalikuran
Ang pag-ibig baga'y isang laro sa kanila,
Alalaong baga'y iluluwa kapag napaso na.
Kaya't huwag na nating hayaang humantong pa sa ganito,
Kinabukasan sati't maglabo tulad nito.
Huwag hayaang maakit at kumagat sa tukso,
Ang sinumang lumapit sa apoy ay siyang mapapaso
Sa pag-ibig , maghihintay ng totoo,
Dalawang taong itinadhana sa puso.
O, Maykapal na ang nagdikta
Sa pag-ibig na wagas at kahali-halina.
Iniibig ka ng pusong kay dalisay,
Subalit hindi pa ang aking maibibigay
Sa pag-ibig mong tapat at walang hanggang saysay'
Hintayin mo, O aking mahal, ang tunog ng dambanang
ating pinakahihintay.